Advertisers
PINASOK ng mga miyembro ng ‘Termite Gang’ ang pasilidad ng Landbank sa municipal compound sa Barangay Poblacion, San Antonio, Quezon.
Nadiskubre ng mga empleyado ang pagnanakaw nitong Lunes pagbukas ng bangko.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakapasok ang mga kawatan sa pamamagitan ng pagdaan sa kanal sa gilid ng highway na nasa tagiliran ng bangko. Nagbutas papasok ang mga magnanakaw at winasak ang sahig ng bangko.
Natangay ng mga magnanakaw ang hindi pa matiyak na halaga ng pera.
Ayon sa pulisya, posibleng nitong Sabado at Linggo ginawa ng mga salarin ang pagtungkab habang walang pasok ang mga empleyado.