Advertisers

Advertisers

Liza nag-aaral ng Korean para mabigyan na ng proyekto

0 7

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA ngayon ay nakatengga na muna ang Hollywood career ni Liza Soberano at itsinika nito ang dahilan ng pagkakaudlot ng kanyang Hollywood dream.
Sa 2 years nga raw na effort nito ay waiting pa rin ito sa mangyayari sa kanyang Hollywood career.
Sinabi ni Liza na may actor’s strike sa Tate ang Screen Actors Guild or SAG na member ang gf ni Enrique Gil.
At ayaw naman daw ni Liza mag-stop kaya sa Korea ito nag-penetrate.
Inamin ni Liza na pangarap nito na makalabas sa K Drama or kahit sa mga Korean film.
Gusto raw nito na masubaybayan siya ng kanyang mga tagasuporta kaya ayaw nito tumigil.
At ‘yun nga raw ang dahilan ng pagpupursige nito na matuto ng Korean language
Na-invade na rin kasi ni Liza ang mga film production at managers sa Korea.
Pinangakuan daw si Liza na bumalik kapag marunong na magsalita ng Korean.
***
MAY mga sitsit na papasok na si Carla Abellana sa Kapamilya at papasok na rin daw ito sa Batang Quiapo pero wala pang kumpirmasyon.
Ngiti lang kasi ang sagot ni Carla rito.
Tila gusto pa nito manggulat or magsopresa sa magha-handle ng kanyang career na lumabas na nga na Triple A.
Makakasama na niya sa kuwadra sina Marian Rivera at Maine Mendoza, sa Triple A Management ni Mike Tuviera
Well, well, well…’Yun na!