Advertisers

Advertisers

DOH: Pagdami ng nilalagnat sa Mindanao walang kaugnayan sa Nipah virus

0 3

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na walang kaugnayan sa Nipah virus ang pagtaas ng mga kaso ng lagnat sa Northern Mindanao.

Sinabi ni Department of Health-Region 10 Director Dr. Ellenietta Gamolo, nakapagtala ang rehiyon ng 18,364 na kaso ng lagnat, mula January 1 hanggang September 26 ngayong taon.

Higit na mas mataas ito kumpara sa 12,996 na kaso sa kaparehong panahon noong 2022.



Gayunpaman, sinabi ni Gamolo na ito ay mga kaso lamang ng lagnat at walang kinalaman sa Nipah virus.

Ayon kay Gamolo, ang mga kasong ito ng maaaring kaugnay lamang sa ordinary flu o COVID-19.

Samantala, sinabi ni Dr. Stephanie Grace Zamora, DOH-10 senior medical officer, na irerekomenda niya sa mga paaralan sa lungsod na isailalim sa pagsusuri ang mga estudyanteng nakararanas ng influenza m-like illness.