Advertisers
NANINIWALA si Senador Grace Poe na kahit nagbitiw na si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Mao Aplasca ay may ilang bulok na tauhan ng OTS ang nasa puwesto pa rin.
Ito ang sinabi ni Poe kasunod ng pagbibitiw ni OTS Administrator Mao Aplasca matapos malagay sa matinding kahihiyan ang ahensiya sa pagkupit at pagsubo ng isang OTS personnel ng $300 ng isang Chinese tourist sa NAIA 1.
Ang pagbibitiw sa puwesto ni Aplasca ay bunsod ng babala ni House Speaker Martin Romualdez na haharangin niya ang 2024 budget ng OTS kung hindi magpapatuloy pa ang una sa puwesto.
“Ang kailangan natin sa ating mga airport ay mga bantay sa ating seguridad, hindi bantay-salakay,” wika ni Poe, Senate Committee on Public Services.
Inihayag pa ni Poe na dapat may tunay na determinasyon na baguhin ang OTS ang dapat na susunod na mamumuno sa ahensiya.
Binigyang-diin niya na kailangan ay matindi ang paninindigan ng uupong bagong OTS administrator upang hindi na maulit ang mga nakakahiyang insidente. (Mylene Alfonso)