Advertisers

Advertisers

12 patay sa rabies sa Ilocos

0 5

Advertisers

UMABOT na sa 12 katao ang nasawi sa rabies sa Ilocos Norte mula Marso hanggang Setyembre ng taon.

Sa ulat nitong Huwebes, Setyembre 28, sinabi ng Ilocos Norte Provincial Health Office na pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga biktima ay hindi agad nagagamot ang mga ito.

Humingi na ng tulong ang provincial health office sa Department of Health para sa tulong at karagdagang suplay ng rabies vaccines.



Samantala, nagpaalala ang DOH sa publiko na ang first aid sa kagat ng hayop o kalmot ay ang paghugas ng sabon at tubig sa loob ng 10 minuto sa lugar na kinagatan, at paglalagay ng alcohol sa sugat kung kinakailangan.

Hinimok din ng DOH ang publiko na magpakonsulta at pumunta sa pinakamalapit na ospital o bite center para mapigilan ang rabies.