Advertisers

Advertisers

19 PANG PULIS NAVOTAS SA JEMBOY BALTAZAR SLAY PINASUSUSPINDE!

0 5

Advertisers

IPINASUSUSPINDE ng Philippine National Police–Internal Affair Service (PNP-IAS) ang 19 pang Navotas Pulis kaugnay ng pagkamatay ni Jemboy Baltazar sa Navotas City noong Aug 2, 2023.

Ayon kay Atty. Alfegar Traimbulo, PNP-IAS Inspector General, inirekomenda niya ang pagpapataw ng 59 day na suspension laban sa 19 pulis sanhi ng pagkabigo ng mga ito na mai-preserve ang crime of scene at pagsasalang sa ballistic at paraffin test ang mga sangkot sa pamamaril matapos ang naganap na insidente.

Nilinaw ni Traimbulo na ang rekomendasyon ay base sa second batch ng kasong Administrative na isinampa laban sa mga nasabing mga pulis.



Kabilang sa mga pinasususpinde ang 8 pulis na una nang tuluyang sinibak sa serbisyo ang 8 pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos mapatunayan ‘guilty’ sa kasong Grave Irregularity in the Performance of Duty at Conduct Unbecoming of a Police Officer.

Samantala, pinasususpinde naman ng 30 araw ang nagsagawa ng imbestigasyon sa kaso na si Police Capt. Juanito Arabejo at tauhan nito na si CMD Aurelito Galvez dahil sa pagkukulang o “lapses” sa imbestigasyon.

Magugunita na si Baltazar, 17 anyos, at kaibigan nito ay pinagbabaril ng mga pulis habang nag-aayos ng kanilang bangka nang mapagkamalang suspek sa pamamaril sa Barangay NBBS Kaunlaran, Navotas City noong Aug 2, 2023.

Dahil sa takot, tumalon si Baltazar sa tubig ngunit pinagbabaril ito ng mga pulis sa mamatay. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">