Advertisers

Advertisers

35 BSKE candidates sinampahan ng disqualification case ng Comelec

0 4

Advertisers

SINAMPAHAN na ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Biyernes ng disqualification case ang 35 mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections kaugnay sa umano’y premature campaigning.

Ayon kay COMELEC Task Force Anti-Epal Head Director Jose Nick Mendros, kabilang sa mga ipinapa-disqualify ng COMELEC ang ilang kandidato na inireklamo dahil sa maagang pagpapaskil ng campaign posters, pagbabahay-bahay, at pangangampanya sa social media.

Sinabi naman ni COMELEC Clerk of the Commission Atty. Genesis Gatdula, na sisimulan na sa Lunes ang pag-raffle sa mga division ng mga inihaing disqualification case.



Wala aniyang specific timeline ang pagresolba nila sa mga kaso, pero may basbas na umano ito para i-expedite o bilisan ang pagresolba at paglalabas ng desisyon.

Sa huling datos ng COMELEC, aabot na sa higit 3,000 kandidato ang napadalhan ng Show Cause Orders dahil sa premature campaigning habang nasa 199 ang posibleng masampahan ng disqualification case.