Advertisers
KALAT sa social media ang post ng isang netizen hinggil sa pag-atake ng isang lalaki sa mga pasahero ng jeep gamit ang injection, masusi na itong iniimbestigahan ng Cebu City police.
Base sa viral post ng isang netizen, nangyari ang insidente sa Natalio Bacalso Avenue. Isa umanong lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada ang umatake sa mga pasahero ng isang jeep, sinaksak ng kanyang dala-dalang pang-injection.
Umani ng maraming share ang post sa social media na nagdala ng pangamba sa mga residente.
“Mag-ingat ka sa Emall area sa tapat ng Penshoppe sa central area, may lalaking nakasuot ng purple dress na may dalang injection… ingat kayo, lalo na ang mga estudyante,” bahagi ng post ng online user sa FB.
Ayon naman kay Lt. Colonek Janette Rafter, Deputy Director for Operations ng Cebu City Police Office at kasalukuyang information officer, nakipag-coordinate na sila sa nag-post sa social media para masimulan ang kanilang imbestigasyon kung gaano ito katotoo.
Nilinaw ni Rafter na dapat itong imbestigahan lalo pa’t nalaman parin sa mga nagkomento na may isang babaeng pasahero din ng jeep at isa pang lalaki ang muntik nang masaksak sa bahagi ng Sanciangko at Leon Kilat Street.