Advertisers

Advertisers

SWS: 50% Pinoy hindi kuntento sa K-12 Basic Education Program

0 3

Advertisers

KALAHATI ng populasyon ng adult Filipinos ang hindi nakuntento at nasiyahan sa umiiral ngayon na K-12 Basic Education Program ng Department of Education.

Ito ay batay sa isinagawang Second Quarter 2023 Survey ng Social Weather Station mula noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 1, 2023 kaugnay sa opinyon ng publiko hinggil sa Education System ng ating bansa na nilahukan naman ng nasa 1,500 na mga Pilipinong may edad na 18 years old pataas mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas sa pamamagitan ng face-to-face interview.

Sa nakalap na datos ng naturang grupo lumalabas na 50% ng mga respondents ang nagpahayag ng dissatisfaction sa K to 12 basic education program, habang nasa 39% naman ang nagsabing kuntento sila, at 9% ang undecided.



Samantala, bukod dito ay napag-alaman din sa naturang survey na 89% ng mga Pilipino ay pabor na ilipat sa Hunyo hanggang Marso ang academic calendar, habang 10% naman sa mga respondents ang mas gustong nasa buwan ng Setyembre hanggang Mayo ang panahon ng pasukan ng mga estudyante.

Matatandaang, una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na posibleng tumagal pa ng hanggang tatlong taon bago nito muling maibalik sa dati ang school calender sa Basic at Secondary education program sa bansa.