Advertisers
PINAG-AARALAN narin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “Walang Gutom 2027” o Food Stamp Program sa iba pang rehiyon sa bansa sa mga susunod na buwan.
Sinabi ni Social Welfare Assistant Secretary Irene Dumlao, layon ng DSWD na dagdagan ang pagkain ng mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng P3,000 halaga ng monthly food credits sa kanilang Electronic Benefit Transfer.
Matatandaang isinagawa ng ahensiya ang pilot launching ng programa sa National Capital Region (NCR) at CARAGA Region nito lamang kasalukuyang taon.