Advertisers
INANUNSYO ng Philippine National Police (PNP) na inaresto nito ang mahigit isang libong katao dahil sa paglabag sa gun ban na ipinataw para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, 1,063 gun ban violators na ang naaresto noong Huwebes, Setyembre 28.
Sa mga naaresto, 1,017 ay mga sibilyan, habang ang iba ay mga miyembro ng law enforcement, mga security guard, at mga halal na opisyal ng gobyerno.
Sa ngayon, nakumpiska ng mga awtoridad ang 650 na baril.
Dagdag pa ni Fajardo, ang mga datos sa ban of firearms ay hindi lamang sa Comelec checkpoints nahuhuli. Kasama na rin daw dito ang mga suspects na subject sa police operations.