Advertisers

Advertisers

P41m droga nasamsam, 817 ‘tulak’ arestado ng QCPD

0 253

Advertisers

MAHIGIT sa P41milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam at 817 drug suspects ang nadakip sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ng Quezon City Police District (QCPD),.



Ayon kay QCPD Director, Brigadier General Redrico A Maranan, ang operasyon ay resulta ng mga serye ng buy-bust operation sa 3rd quarter ng 2023.

Sa talaan ng QCPD, umabot sa 458 ang isinagawang anti-drug operations mula sa iba’t ibang police stations at units ng pulisya na nagresulta sa pagkakasamsam ng 5,699.72 gramo ng shabu, 18,442.13 gramo ng marijuana, at 158 gramo ng Kush or high-grade marijuana.

Nanguna sa operasyon na may pinakamataas na nakumpiskang droga ang Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni Lt. Colonel Jerry Castillo kungsaan 74 drug personalities ang nadakip at aabot sa halagang P9,363,399.60 ng droga ang nasamsam; sumunod ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ni Major Wennie Ann Cale kungsaan 29 drug peddlers ang naaresto at P8,851,200.00 halaga ng shabu at marijuana ang nakuha.

Ang Kamuning Police Station (PS 10) sa ilalim ni Lt. Col. Robert Amoranto ay nakahuli ng P4,017,304.00 halaga ng droga at 78 drug suspects.

Habang ang Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni Lt. Col. Morgan Aguilar ay nakadakip ng 53 drug suspects at nakasamsam ng P3,962,680.00 halaga ng illegal drugs.

May 55 drug peddlers at P3,628,304.00 halaga ng shabu naman ang nakumpiska ng Batasan Police Station 6 sa ilalim ni Lt. Col. Paterno Domondon Jr.

“I would like to extend my heartfelt gratitude to our Mayor, Hon. Joy Belmonte, and the Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council for their support and guidance in our campaign against illegal drugs. I can say that we are winning the war against illegal drugs because of these mutual coordination and support”, ayon kay BGen Maranan.(Almar Danguilan)