Advertisers

Advertisers

6 pulis sa Jemboy slay pinaaaresto na, ‘no bail’

0 3

Advertisers

IPINAAARESTO na ng korte ang anim na pulis na dawit sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar na kinasuhan ng murder ng korte ng Navotas City.

Sa charge sheet na may petsang Setyembre 15, kinilala nina Assistant City Prosecutor Arvin Carael at City Prosecutor Armando Cavalida ang respondents sa kasong murder na sina Executive Master Sgt. Roberto Dioso, Staff Sgts. Gerry Maliban, Antonio Bugayong, Jr., at Nikko Esquillon, Cpl. Edmard Blanco at Pat. Benedict Mangada.

Isinampa ang kaso sa Navotas City Regional Trial Court, at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga nasabing Pulis Navotas.



Nauna nang pinayagan ng National Capital Region Police Office ang rekomendasyon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service na sibakin sa serbisyo ang mga naturang pulis dahil sa pagpatay kay Baltazar.