Advertisers
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyer-kules na mananagot ang foreign commercial vessel na bumangga sa sinasak-yang bangka ng mga mangingisdang Filipino na ikinasawi ng tatlong katao sa Bajo de Masinloc.
“Kami ay labis na nalungkot sa pagkamatay ng tatlong mangingisda, kasama na ang kapitan ng barkong pangisda. Ang insidente ay patuloy na iniimbestigahan upang alamin ang mga detalye at mga pangyayari sa paligid ng banggaan sa pagitan ng bangkang pangisda at isang hindi pa nakikilalang sasakyang pang-komersyal,” ani Marcos.
“Tinitiyak namin sa mga biktima, sa kanilang mga pamilya, at sa lahat na gagawin namin ang lahat para panagutin ang mga may pananagutan sa kapus-palad na insidenteng ito sa dagat,” dagdag ng Pangulo.
Hinimok niya ang publiko na payagan ang Philippine Coast Guard na imbestigahan ang ramming incident.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na titiyakin ng gobyerno na magbibigay ng suporta at tulong sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
Samantala nagpaabot naman ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa mga pamilya ng mga nasawi sa insidente, ngunit sinabing hihintayin nito ang resulta ng imbestigasyon bago magbigay ng karagdagang komento. (Vanz Fernandez)