Advertisers
Patay ang 5-anyos na batang lalaki nang gilitan sa leeg ng kaniyang pinsan sa lungsod ng Iriga sa Camarines Sur.
Sa ulat ni PCPT Belle Celeno, tagapagsalita ng Iriga City Police Station, bigla na lang umano pumasok sa bahay ng biktima ang 22-anyos na si “Makoy” at biglang ginilitan ang leeg ng bata nitong Setyembre 30.
Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pinakaugat ng insidente.