Advertisers
NAIHAIN na ng Commission on Elections (Comelec) ang nasa 72 disqualification cases laban sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na maagang nangangampanya.
Batay sa data na ibinahagi ni Comelec chair George Erwin Garcia, mayroong 211 na posibleng disqualification cases sa isinagawang initial assessment ng Task Force Anti-Epal nitong Huwebes, Oktubre 5.
Sa kasalukuyan, nakapag-isyu na ang poll body ng kabuuang 4,942 show cause orders kung saan 1,053 na ang tumugon.
Ibinasura naman ng poll body ang 342 reklamo dahil sa kawalan ng factual basis.
Samantala, maliban sa mga petisyon para sa disqualification, sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na maghahain ang Committee on Kontra Bigay ng 5 verified complaints para sa election offense dahil sa vote-buying.