Advertisers

Advertisers

Caloocan handa na sa ‘advanced waste processing’

0 23

Advertisers

Nakatanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng bago at mas advanced na mobile Material Recovery Facility (MRF) mula sa United Nations Development Program (UNDP) upang tulungan ang lungsod sa mga programa sa pamamahala ng basura nito.

Ang mobile MRF ay gagamitin ng City Environmental Management Department (CEMD) upang mapadali ang pagkolekta at pag-recycle ng mga hindi nabubulok na basura upang maging potensyal na kapaki-pakinabang na materyales tulad ng mga mesa at upuan para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

Nagpahayag ng pasasalamat si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang pambansa at internasyonal na entity sa pagtulong sa pamahalaang lungsod na lumikha ng mga “greener” na komunidad.



“Maraming salamat po sa pagtutulungan ng CEMD, UNDP, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at sa Japanese Embassy upang tulungan tayo sa ating magagandang adhikain para sa kalikasan at para sa lungsod ng Caloocan,” pahayag ni Mayor Along.

Tinawag din ni Mayor Along ang atensyon ng kanyang mga nasasakupan na personal na obserbahan ang wastong proseso ng pagkolekta at pag-recycle, tiyakin ang kalinisan ng kanilang mga lokal na komunidad, at patuloy na magsagawa ng iba pang environment-friendly na mga aksyon upang pagandahin ang lungsod gayundin upang mabawasan ang mga epekto ng natural mga sakuna.

“Ginagawa po ng ating pamahalaang lungsod ang lahat ng paraan upang mabawasan ang polusyon at mga pagbaha sa iba’t ibang barangay sa Caloocan. Patuloy po natin itong tinutukan hindi lamang para sa kagandahan ng ating lungsod kundi para na rin sa kaligtasan ng ating mga mamamayan tuwing may mga sakuna,” wika ni Mayor Along.

“Kaya naman po, muli ko pong panawagan sa lahat ng mga Batang Kankaloo, sikapin natin na maging malinis ang ating mga komunidad at ayusin ang mga paraan sa pagkolekta at pagsasaayos ng mga basura upang makatulong sa mga inisyatiba ng pamahalaang lungsod,” dagdag ni Malapitan. (BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">