Zeinab tinawag na sugar daddy ang syotang si Parks; Maxine ikinasal na, walang principal sponsors at mga abay
Advertisers
Ni BETH GELENA
TINAWAG na sugar daddy ni Zeinab Harake ang boyfriend na si Ray Parks.
Nag-reply naman ng aweet message ang bf na PBA player.
Ibinahagi ng vlogger/influencer ang kanilang lovely photo sa kanyang Instagram Stories.
Pinasalamatan niya ang boyfriend cager sa kanilang romantic date kung saan tinawag niya itong “sugar daddy.
Sweet response naman ang ginanti ni Parks sa girlfriend.
“Thank you for another dinner date, my sugar daddy @ray1parks,” ani Zeinab sa screen caption.
“Isang karangalan Bel. Ako bahala sa’yo,” sey ni Parks.
Dati niyang karelasyon si Skusta Clee kung saan nagkaroon sila ng anak na babae na si Bia.
Nauna rito ay may ampon ang vlogger na si Lucas.
Nakatutuwa dahil tinuring na ni Parks na mga anak ang dalawang bagets na super close rin sa kanya.
***
RED CARPET PREMIERE NG MONSTER SINUPORTAHAN NG MGA ARTISTA
ANG daming sumuporta sa Japanese movie na Monster na ang distributor ay ang Nathan Studios na pag-aari ng Atayde family kung saan si Ria Atayde ang CEO.
Nakipag-collab si Lorna Tolentino sa Nathan nang mapanood nila ang movie sa Cannes Film Festival.
Aligaga ang actress na si Sylvia Sanchez kaya hindi namin siya nakapanayam, pero bago nag-start ang movie sinabi niyang ang daming may gustong bumili ng Monster na ikinagalak niya dahil ang Nathan Studios ang maswerteng nanalo sa bidding.
Nitong Martes, October 3 ay may red carpet premiere ang Monster sa Megamall Cinema 2.
Ang daming celebrities ang sumuporta sa nasabing Japanese film.
Naroroon ang cast ng Senior High na sina JK Labajo, Elijah Canlas, Mon Confiado at Angel Aquino.
Namataan din namin si Bayani Agbayani kasama ang misis na si Lenlen.
Taliwas sa aming inaasahan na isa itong horror movie, ibang pàsabog ang ginawa ng Japanese film na ito kung saan may twist ang pelikula.
Kaya ang masasabi lang namìn sa mga moviegoer kelangan na huwag kukurap sa bawat eksena ng movie.
Kapupulutan ng aral ang Monster lalo na sa mga kabataan.
Regular showing ng Monster sa lahat ng sinehan nationwide sa October 11.
***
KINASAL na ang former beauty queen na si Maxine Medina.
Isa itong intimate church wedding kay Timmy Llana.
Magkakaroon pa rin daw sila ng another wedding na sa beach naman gagawin.
Si Maxene ay naging
Miss Universe Philippines 2016 at diving instructor naman ang napangasawa niyang si Llana.
Sa Antipolo ikinasal ang newly wed last October 3, 2023.
Muling ikakasal ang couple sa Palawan sa October 10.
Ang nag-officiate ng kanilang Catholic wedding ay si Rev. Fr. Aniceto Abiera.
Ayon sa nakalap na ulat, wala pang 40 ang bilang ng mga dumalo sa intimate wedding ceremony nina Maxine at Timmy
Wala rin daw mga ninang, abay, walang flower girl at ring bearer sa ginanap na kasalan dahil may “Part 2” naman daw ang kanilang wedding.
Isang engrandeng beach wedding ceremony ang gaganapin sa Club Paradise sa Palawan sa October 10.