Advertisers
Arestado ang barangay kagawad na tumatakbong barangay chairman sa darating na Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang search operation ng mga awtoridad nitong Biyernes sa Laoag city.
Kinilala ang nadakip na si Wendell Tamayo, may asawa, nasa drug watchlist ng Philippine National Police at residente ng Barangay 4, Laoag City.
Sa pinagsamang operasyon ng Laoag PNP, Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Drug Enforcement Agency, nakuha sa cabinet ng suspek ang 10 sachet ng shabu, isang glass tube tooter at isang maliit na sachet na naglalaman umano ng dried marijuana leaves.