Advertisers

Advertisers

Kandidatong sk chair sawi sa basketball

0 3

Advertisers

Hindi na matutuloy pa ang pagtakbo ng 23-anyos na lalaki sa Sangguniang Kabataan (SK) nang ma-cardiac arrest habang nagba-basketball sa Davao City.

Kinilala ang nasawi na si Philip Saladio Jr., 23, residente ng Barangay Tawan-tawan.

Sa ulat, nagkaroon ng liga ng basketball para sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay Malagos kung saan kasali rito ang biktima.



Habang naglalaro si Saladio bigla itong napaluhod bago napasubsob sa sahig nang ibato ang bola.

Nang makita ng mga kasamahang manlalaro, agad nilang nilapitan sa Saladio at nang malaman na wala itong malay isinugod nila sa ospital pero idineklara na itong dead on arrival, at ayon sa mga doktor dahil umano sa cardiac arrest.

Nabatid na nanonood rin ng basketball ang mga magulang ni Saladio at laking gulat nila dahil wala naman umano silang alam na maysakit ito.

Sinabi ng amang si Philip Sr., na bagam’t hindi pa SK chairman ang kanyang anak kilala na itong matulungin sa kanilang barangay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">