Advertisers

Advertisers

Mag-asawa sugatan sa kidlat

0 3

Advertisers

Nagtamo ng mga paso sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mag-asawang nabagsakan ng mga kable nang tamaan ng kidlat ang poste ng kuryente habang dumadaan ang mga ito sakay ng kanilang motoriklo sa Barangay Laray, Consolacion, Cebu nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Nillo Jusol, 52; at misis nito na si Aida Jusol, 48, kapwa residente ng Barangay Jugan.

Ayon sa report ng Consolacion, Cebu, 2:00 ng hapon, magkaangkas ang mag-asawa sa motorsiklo at tinatahak ang municipal road sa kasagsagan ng mahinang pag-uulan, nang pagtapat ng mga ito sa poste ng kuryente ay gumuhit ang matalim na kidlat.



Tumama ito sa concrete post at nagbagsakan din ang mga electric cable lines.

Nahagip ang dalawa ng mga kable na naging sanhi ng kanilang pagkakakuryente.

Nagtulong-tulong naman ang mga bystander na saklolohan ang dalawa at binigyan ng first aide habang hinhintay ang rescue team ng MDRRMO.

Isinugod ang mga ito sa ospital at nagpapagaling pa sa tinamong paso at mga sugat.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">