Advertisers
Naharang ang ipadadala sana sa delivery courier na mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P660,000 nang maaresto ang isang lalaki sa Barangay Langgam sa lungsod ng San Pedro, Laguna.
Naaresto ang suspek nang pinagsanib na puwersa ng San Pedro City PNP, RID4A, PIU Laguna at PDEA Laguna at kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek na kinilalang si Alyas Kim, nasa hustong gulang at residente ng Muntinlupa City.
Sa report ni PLt Col Pablito R. Naganag, hepe ng San Pedro City PNP, kay PCol Harold Depositar, Provincial Director ng Laguna PNP, 5:15 ng hapon nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation makaraang makatanggap umano ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa kahina-hinalang parcel na ipadadala sana sa delivery courier.
Natukoy agad ito nang buksan ang parcel para inspeksyunin at tumambad ang mga pinatuyong dahon ng marijuana sa 13 transparent plastic sachet na may timbang na 5.50 kilo na nagkakahalaga ng P660,000 pesos, kabilang din sa narekober ang 6 na plastic bubble wrap, 5 plastic bag na kulay itim at isang motorsiklo.
Mahaharap ang suspek sa kasong RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002).