P75M lokohan sa Pagcor… Arrest Warrant hiniling sa Urdaneta RTC vs pamilya ng scammer; PNP-CIDG naka-alerto
Advertisers
Hiniling ng Office of the Provincial Prosecutor of Pangasinan sa Regional Trial Court (RTC) ng Urdaneta City na mag-isyu na ito ng warrant of arrest laban sa 23 akusado sa iligal na operasyon ng e-sabong na pinamimunuan ng anak na ang mga magulang ay kabilang din sa panloloko sa nawawalang P75 milyong performance bond ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Sa panayam Kay P/Lt.Col. Junmar Gonzales, Hepe ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Pangasinan Provincial Office, sinabi nitong naka-alerto na ang kanyang mga operatiba sa probinsiya sakaling bigyan sila ng korte ng ‘warrant of arrest.’
Naihain ng prosekusyon ang mosyon para sa warrant of arrest, dahil di na dumalo ang mga akusado sa pagbasa sa kanila ng demanda o ‘arraignment’ na itinakda noong lamang October 5, 2023 sa sala ng Urdaneta City RTC Branch -45 laban sa mga akusadong pinamimunuan ng mag-asawang of Rizalina at Simplicio Castro at ang pinaka-lider na kanilang anak na si Jewel Castro.
Ang mag-anak na Castro nasasakdal din kasama ang pitong (7) dati at kasalukuyang mga opisyal ng Pagcor, sa kasong graft at iba pang kasong kriminal sa Office of the Ombudsman sa nawawalang P75-million cash performance bond na inilagak ng isang korporasyon.
Ang mga mag-anak na Castro ay kabilang din sa imbestigasyong ipinag-utos ng bagong Pagcor Chairman at COO na si Alejandro Tengco, na nangako ng hustisya para sa nabiktima ng mag-anak na scammer at ang kanilang mga kasabwat sa ahensiya.
Ang mag-asawang Rizalina at Simplicio Castro ay naaresto nila PNP-CIDG Pangasinan Chief P/Lt.Col. Junmar Gonzales sa isang raid sa Loac, Pangasinan, dahil sa warrant of arrest na inisyu naman ng Quezon City RTC Br-77 sa multi-million investment scam na kinasasangkutan ng mga Castro at sa pag-ooperate ng iligal na e-sabong sa nabanggit na probinsiya.
Si Jewel Castro, at isa pang nakilala bilang Ethan Eleazar, ay nakatakas sa nasabing raid.
Iniulat din ni PNP-CIDG Director Maj. Gen. Romeo Caramat na si Eleazar at isang nagngangalang “Masayaki Kimura”, na hinihinalang alias lamang ni Jewel Castro, ay mga incorporators din Broiler Entreneurship Agriventures Inc., na may kasong syndicated estafa case sa QC court.
Sinabi naman ni Gonzales na ang kanilang raid ay bunga ng isang tip na sina Eleazar at Castro ang siya rin nasa likuran ng iligal na on-line sabong sa Loac, Pangasinan, ngunit nakatunig ang mga ito.