Advertisers

Advertisers

Pulis todas sa shootout sa SulKud

0 7

Advertisers

Patay ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) nang barilin sa gitna ng buy-bust operation sa bayan ng Lambayong, Isulan, Sultan Kudarat nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Police Chief Master Sgt. Dominic Minaling, nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Lambayong Police Station.

Ayon kay P/Col. Christopher Bermudez, Sultan Kudarat police director, nagsagawa ng entrapment operation ang Lambayong DEU sa pangunguna ni P/Major Rodney Binoya laban kay Morcid Menang Samal, na high-value drug peddler, sa tindahan niya ng mga piyesa ng motorsiklo sa Barangay Poblacion.



Pero nakatunog umano si Samal na mga pulis ang katransaksiyon kaya pinaputukan agad nito ang mga otoridad kung saan tinamaan at napatay si Minaling.

Sinabi ng pulisya, dumating pa ang limang kasamahan ng suspek upang iligtas ito hanggang sa magkapalitan ng putok.

Pero agad ding nagsitakas ang mga kasamahan ni Samal at naaresto ito. Nakumpiska sa kanya ang .45 caliber pistol.