Advertisers

Advertisers

ACTOR RICARDO CEPEDA KULONG SA SYNDICATED ESTAFA

0 129

Advertisers

Inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang kilalang aktor sa kasong syndicated estafa, nitong Oktubre 7, 2023, sa Caloocan City.

Sa ulat kay QCPD Director, PBrig. Redrico Maranan mula kay PMaj. Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kinilala ang dinakip na si Ricardo Cepeda (screen name), habang ang tunay na pangalan nito Richard Cesar Go, 58, at residente ng San Antonio St., Pasig City.

Ayon kay Llapitan, dinakip si Go 11:00 ng umaga nitong nakaraang Sabado sa 101, Mabini St, Maypajo, Caloocan City. Inaresto si Go sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Gemma P Bucayu-Madrid, Executive Judge ng Branch 12, Regional Trial Court (RTC) Sanchez Mira, Cagayan.



Ayon kay Llapitan, nakatakda nila ipaalam sa nabanggit na korte ang pagkakaaresto kay Go.

“Patuloy din po ang inyong kapulisan sa paghahanap sa mga wanted persons para ma siguro ang kaligtasan ng bawat isang mamamayan,” pahayag ni Maranan.(Almar Danguilan)