Advertisers
TULUYAN nang sinibak sa serbisyo ni Philippine National Police Chief, General Benjamin Acorda Jr., ang 7 pulis na sangkot sa pagransak sa bahay ng isang retiradong babaeng professor sa Imus. Cavite noong August 7, 2023
Ayon kay Colonel Jean Fajardo, hepe ng PNP Public Affair Office, pinirmahan na ni Acorda ang decision ng pagsibak sa 7 pulis na sina SSgts. Jesus Alday, Julius Barbon at Emil Buna, Cpl, Jenerald Cadiang, Lew Amando Antonio, Pat. Reymel Czar Reyes at Rene Mendoza nang mapatunayan ‘guilty’ sa 6 counts grave miscount, 2 counts less grave misconduct, 1 count grave irregularity in the performance of duty, grave dishonesty and conduct unbecoming of a police officer.
Sinabi ni Fajardo na sa sandaling matanggap ng 7 pulis ang nasabing decision, binibigyan ang mga ito ng 10 araw upang iapela ang nasabing decision.
Samantala, pinawalang-sala ang Deputy Chief of Police na si Major Alexe, MSSGT Daisy Diones, at Imus Chief of Police dahil sa walang sapat na ebidensiya para mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct. Pero sasailalim parin sila sa pre-charge investigation for neglect of duty under the doctrine of command responsibility.
Isinaad ni Fajardo na depende sa magiging resulta ng pre-charge investigation ang maipapataw na kaparuhan dahil ang naunang naisampa sa COP at sa kanilang mga team leader ay iba ding kaso na naisampa doon sa mga pumasok. At bagama’t na-exonerate sila sa kasong grave misconduct at kasong unbecoming, hindi pa sila lusot dito dahil nakasaad sa desisyon na pinirmahan ng Chief PNP subjected sila sa pre-charge investigation sa grave neglect of duty sa ilalim ng doctrine of command responsibility.
Magugunita na nag-viral sa social media sa kuha ng CCTV footage ang pangungulimbat ng mga gamit sa bahay ng retiradong professor sa isinagawang “buy bust operation” sa Barangay Alipan 1-A Imus Cavite, Aug 7, 2023.
Sa nasabing video, sinubukan wasakin ng mga pulis ang pinto ng bahay ng ret. professor habang ang ibang pulis ay naghahalughog sa naka- park na motorsiklo.
Isinagawa ang operasyon ng nasabing mga pulis matapos mahuli ang anak ng professor sa buy bust operation. (Mark Obleada)