Advertisers

Advertisers

Dahil sa tsismis, misis binaril sa mata

0 11

Advertisers

BUTAS ang mata nang bumagsak sa lupa ang isang ginang nang barilin ng kapitbahay dahil umano sa tsismis sa Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Marilou Boquirin Tantay, 32 anyos; habang tugis ang salarin na si Arman Mendoza, 37, kapwa residente ng Barangay Gomez ng naturang bayan.

Sa report ng Malasiqui Police Station, naganap ang krimen sa Barangay Apaya habang sakay ang biktima ng motorsiklo nang salubungin ito ng salarin na armado ng baril.



Walang babalang binaril ang biktima na tinamaan sa mata at agad binawian ng buhay.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo sa hindi malamang direksyon.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may alitan ang biktima at misis ng salarin dahil umano sa tsismis.

Ayon naman sa asawa ng biktima na si Mark Tantay, wala silang nakaalitan at hangad niya ang hustisya sa pagkamatay ng misis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">