Advertisers

Advertisers

BONG GO KINILALANG ‘OUTSTANDING SENATOR’

0 5

Advertisers

Muling kinilala at ginawarang “Outstanding Senator” si Senator Christopher “Bong” Go sa 5th National Convention of the Public Attorney’s Office (PAO) Rank and File Employees noong Martes sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Si Go ay dati na ring kinilala bilang “Outstanding Senator” noong 7th Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) Accredited National Convention Public Attorney’s Day noong Oktubre 2022 at sa 4th National Convention of the Public Attorney’s Office Rank and File Employees noong 2019.

Ang Public Attorney’s Office, isang ahensya ng gobyerno na inatasang magbigay ng free legal assistance sa mahihirap na Pilipino, ay matagal nang haligi ng hustisya at pagbibigay ng suporta sa mga nangangailangan ng legal na representasyon ngunit hindi kayang magbayad.



Personal na tinanggap ang parangal, sinabi ni Go na ang pagtitipon ay hindi lamang selebrasyon ng walang kapagurang mga empleyado ng PAO kundi isang pagkakataon din sa kanya na magbigay pugay sa napakahalagang serbisyo ng mga nasabing dedikadong lingkod-bayan.

Aniya, ang rank and file employees ng PAO ay “unsung heroes” na masigasig na nagtatrabaho sa likod ng mga eksena upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang mga nangangailangan nito.

“Nais kong magpasalamat sa inyong walang sawang sakripisyo at pagtitiwala sa inyong trabaho. Sa bawat araw na inyong ginugugol, isinusulong ninyo ang karapatan ng mga taong hindi kayang magbayad ng abogado. Sa bawat kaso na inyong hinahawakan, kayo ay nagiging tanglaw ng mga nangangailangan, at sa inyong mga kamay, inaasahan ang katarungan,” ang sabi ni Go, miyembro ng Senate committee on justice.

“Bilang isang Senador, nais kong tiyakin sa inyo na patuloy kong susuportahan ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga kawani ng Public Attorney’s Office,” patuloy niya.

Pinuri ni Go ang mga empleyado ng PAO sa kanilang walang humpay na dedikasyon at inulit ang kanyang pangako na susuportahan ang kanilang pagsusumikap sa legal na propesyon.



Patuloy niyang isusulong ang pagtataas ng pondo at resources para sa PAO upang mas mapabuti ang mga serbisyo nito.

Higit pa rito, ipinaabot ni Go, sa ngalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanyang pasasalamat sa prestihiyosong parangal na ipinagkaloob sa dating Pangulo bilang “Outstanding President”. Nagsisilbi aniya itong patunay ng dedikasyon at natatanging pamumuno ng dating Pangulo.

Si Go ay isang matatag na tagapagtaguyod ng kapakanan ng PAO, simula pa noong Duterte administration at patuloy na ginagawa ito hanggang ngayon. Kabilang sa kanyang sinuportahan ang pagtatayo ng bagong PAO building noong Duterte administration para mas magampanan nang maayos ang kanilang mga responsibilidad.

Samantala, isa si Go sa nag-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 11466 o Salary Standardization Law 5 (SSL 5) na nagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, kabilang na ang mga pampublikong abogado.

Suportado rin niya ang panukalang Salary Standardization Law 6, batay sa tagumpay ng SSL 5. Layon nitong bigyan ng mas maayos na kompensasyon ang mga manggagawa ng gobyerno, kabilang ang mga pampublikong abogado.

Inihain din ni Go ang SBN 1186 na layong lumikha ng karagdagang mga dibisyon sa Court of Appeals at paghirang ng karagdagang mahistrado upang matulungan ang Hudikatura sa paggagawad ng mas maaasahan, walang kinikilingan at mabilis na hustisya sa bansa.