Advertisers

Advertisers

EO 10 ‘wag ng palawigin – AGAP Rep. Briones

0 3

Advertisers

Nananawagan si AGAP partylist Rep. Nicanor Briones na tulungan ng gobyerno na makabangon ang industriya ng agrikultura sa bansa.

Ayon kay Briones, hanggang ngayon wala pang aprubadong bakuna para sa mga alagang baboy kaya patuloy ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa Pilipinas.

Sa ganitong sitwasyon maraming magbababoy ang nalulugi dahil hindi naman binabayaran ng gobyerno ang mga baboy na tinatamaan ng ASF kaya napipilitan silang ibenta ito sa merkado ng mura at tumitigil na sa pagbababoy.

Kaya naniniwala si Cong. Briones na dapat ng itigil ang pagpapatupad ng ng executive order no. 10 ang pagpapalawig ng pansamantalang pagbabago ng mga rate ng import duty sa iba’t-ibang produkto sa ilalim ng section 1611 ng republic act no. 10863, o mas kilala bilang “customs modernization and tariff act”

Nagpababa ang EO 10 ng taripa sa mga imported meat product.

Aniya, dapat na rin ibalik ang 40% ng taripa ng mga offals kapag hindi meat processor. Karamihan sa mga nag-i-import ng offals mga traders and importers lang.

Sinabi ni Briones na mahalaga ang taripa na ito para mapondohan ang pagbangon ng meat industry sa bansas, at kailangan na talaga rin magkaroon ng anti-smuggling task force na magbabantay para hindi laging nalulugi ang gobyerno, mga magsasaka, at mga consumers.

Nananawagan ang sektor ng agrikulatura na huwag ng i-extend ang EO 10 dahali malaki ang nagiging epekto nito sa industriya ng babuyan.

Imunungkahi ni Rep. Briones na ang excess tax na lamang ang bawasan tulad sa importasyon ng langis na makakabawas sa gastusin ng mga magsasaka.