Advertisers
NAKUMPISKA ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit,( SDEU) ng Parañaque Police Station ang mahigit 1 milyon piso halaga ng iligal na droga matapos ang isinagawang drug buy bust operation, madaling araw ng Oktubre 12 sa Barangay Tambo, Paranaque City.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director PBGen Roderick D Mariano ang dalawang big-time pusher na alias Robin, at Alia’s Rose. Sila ay nahaharap ngayon sa paglabag sa Section 5 at Section 11, ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang dalawang suspek ay kabilang sa high value individual na nasa watchlist ng mga awtoridad dahil sa kanilang iligal na gawain.
Batay sa ulat ng pulisya, matagal nang minamatyagan ng SDEU operatives ang iligal na aktibidad ng mga suspek at sa tulong ng kanilang ‘police asset’ ay natunton ang safehouse ng dalawa sa Lopez DeLeon Street, Brgy. Tambo.
Nang ikasa ang buy bust operation ng mga operatiba ay nakumpiska nila sa pag-iingat ng mga suspek ang 160 gramo ng hinihinalang na shabu at may street value na P1,088,000.00
Ang mga nakumpiskang ipinagbabawal na droga ay nai turn over na sa PNP Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) para sa quantitative at qualitative analysis.
Kaugnay nito nananawagan si PBgen Mariano sa publiko na maging mapagmatyag kapag may mga nalalaman na mga illegal na transaksyon ng ipinagbabawal na droga sa kanilang lugar at agad ipaalam sa mga kinauukulan.
Aniya, mas magiging epektibo ang paglaban sa droga kung nagkakaisa at nagtutulungan ang publiko at mga pulis na labanan ang illegal drugs. (JOJO SADIWA)