Sharon Napikon Sa Pagkukumpara Sa Kanyang Mga Anak; Marion Nai-Composed Ng Kanta Ang Mga Kapwa Sikat Na Singers
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
MULING napikon si Sharon Cuneta sa isang basher na kinukwestiyon siya sa papuri niya sa panganay nila ni Kiko na si Frankie Pangilinan at pagpapakatotoo para sa kanyang eldest daughter kay Gabby na si KC Concepcion.
Ramdam namin ‘yung laman ng puso ni Shawie at nami-miss lang nito si KC. At saksi kami kung gaano nito kamahal si KC, na nakikita naming bitbit niya sa kanyang The Sharon Cuneta Show noon sa ABS-CBN lalo na kapag tapos na itong mag-school o walang pasok. Naghahanap lang talaga ng butas ang pakialamerong epal na hindi naman kilala ang mga anak ni Mega.
Hayun, sa kanyang IG ay nakatikim tuloy ng talak kay Sharon ang nasabing basher. “For the record sa ‘yo at sa kasing kitid mo mag-isip. KAYO ang nagpipilit na ikumpara mga anak ko, hindi AKO.” Patuloy pa nito, “Tumigil na kayo at ‘di kayo nakakatulong.”
“Plus, WALA KAYONG HALAGA SA AMIN NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA,” birada pa ng Megastar na ang payo sa sawsawerang nilalang, “Buhay n’yo asikasuhin n’yo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdaanan namin na matagal na. Puro kayo tagpi-tagpi o ginagawa.”
***
MALIBAN sa pagiging singer at actress ay kilala ring songwriter o composer si Marion Aunor na matagumpay na rin sa sariling Music Label na WILD DREAM RECORDS.
Yes, at hindi lang para sa kanyang sarili ang mga sinusulat na kanta ni Marion kundi para sa mga kapwa sikat na singers like Sharon Cuneta, Erik Santos and Jaya. Also Kathryn Bernardo, Alex Gonzaga & Kyle Echarri. 2018 nang gumawa ng kanta si Marion for Sharon para sa Album nito titled “Lantern,” Jaya for the song, “You’re A Liar,” Erik’s “Beautiful Baby,” na ginamit din na themesong ng “The General’s Daughter sung by PJ Endrinal.
Kinompos naman ni Marion para kay Kathryn ang carrier single nito sa album ng Kapamilya actress na, “You Don’t Know Me,” Alex Album for the song “Goodbye Kiss” and Kyle’s “Mixed Signals” para sa album ng young actor. Tama kami tuwing sinasabi naming Marion is a multi-talented singer and songwriter dahil punung-puno o umaapaw talaga ang talento ng magandang daughter ni Ma’am Maribel Aunor. Maging sa pag-arte ay may ibubuga rin si Marion, she’s a very natural actress.
Abangan siya sa kanyang Viva movie na “Glimpse Of Forever” ni Direk Jason Paul Laxamana.
***
Bff Naming Si Ma’am Erlinda Reblando, Ine-enjoy At Tinutulong Ang Mga Pinaghirapan
THIS year ay dalawang beses na nakapag-tour o unwind ang Bff naming si Ma’am Erlinda Reblando sa favorite niyang Cruise Line na Oasis of the Seas ng Royal Carribbean Cruise Line. Along with her rich college friends Eleanor Reyes-Tumambing and her husband Victor, Sonia de Los Reyes-Mendoza. They reached Orlando, Florida to Cape Canaveral Space Center.
Nabisita rin nila ang Atlantis Casino Resort Paradise Island sa Nassau Bahamas. At syempre, muling na-enjoy nina Ma’am Erlinda ang cruise nilang ito last September. At naging busy rin sa pag-attend ang mabait at generous naming kaibigan sa mga social events kasama ng kanyang mga amigas.
This month, umattend si Ma’am Erlinda ng wedding ng kanyang beautiful friend na celebrity ang dating sa Las Vegas. May kuha siya sa nasabing kasal at wedding party. Pinasyalan din niya ang magagandang place sa Vegas like the Old Las Vegas sa Freemont Street. Yes, ine-enjoy ni Ma’am Erlinda ang kanyang mga pinaghirapan kasama na ang walang sawang pagtulong sa kanyang mga kaibigan, kabilang na ang inyong lingkod.
Matagal na siyang retired na registered nurse sa Amerika kung saan ilang dekada siyang nagtrabaho sa hospital. At ngayon kasama ng mga kasosyong kaibigan ay nagpapatakbo sila ng Hospice sa Houston, Texas. My dear good friend Ma’am Erlinda is a certified philanthropist.
***
Monet Lu, Favorite Pa Rin Ng Mga Celebrity At Beauty Queens
80’s pa lang noon at mga panahong nasa GENSAN pa kami ay familiar na sa akin ang pangalang Monet Lu, na kaibigan ng mga sikat na celebrities at mga reporter sa showbiz like the late Mama Alfie Lorenzo.
Hanggang isang araw, sa aking pagba-vlog ay pinanood kami ni Monet at agad itong nag-ayuda sa amin. Yes, rich na ang famous salon owner at matagal na siyang mayaman sa rami ng branch ng kanyang salon. Pero according to Monet ay ibinenta niya na ‘yung iba niyang salon at ilan na lang ang mine-maintain niya. Kalilipat lang din nila ng pwesto at located ang Monet Lu Salon ngayon sa 13553 Roscoe Blvd., Panorama City.
Sabi nga, Beauty Begins with Monet Salon. ‘Yung mga sikat nating artista kapag nasa Hollywood, California ay kay Ms. Monet pa rin nagpapa-makeup at pagawa ng buhok. Suki rin sa salon ni Monet ang mga beauty queen and of course, mga rich Asians. Marami na rin pa lang investments si Ms. Monet at ‘yan ay dahil sa kanyang husay sa cut and style.