Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
RELATE pala talaga si Kazel Kinouchi as Zoey sa role niya sa Abot Kamay Na Pangarap.
Sa AKNP kasi, ang kinikilala niyang ama ay si Dr. RJ Tanyag played by Richard Yap.
Pero ang tunay pala niyang ama ay si Dr. Carlos Benitez played by Allen Dizon, dahil nagka-affair dito ang ina ni Zoey na si Moira Tanyag played by Pinky Amador.
At sa tunay na buhay ay hindi pa nakita ni Kazel ang kanyang ama!
Ibinulgar ito ni Kazel sa recent guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
“We haven’t met. I don’t have any idea how he looks like hanggang ngayon.”
Ayon pa kay Kazel, nag-effort siya na hanapin ang kanyang tunay na ama.
“I tried to look for him pero noong early 20s. By the time that I tried to look for him, he passed away na pala.”
Isang kamag-anak niya ang nagsabi sa kanya na pumanaw na pala ang kanyang ama.
Noong mga panahon na hinahanap ni Kazel ang tatay niya ay hindi pa boom ang social media kaya nahirapan siyang tuntunin ang kinaroroonan nito.
“I don’t know if it’s just me pero alam mo yun Tito Boy, pagkalabas mo pa lang, kakapanganak mo pa lang, growing up without a father, hindi ko na natanong.
“Tsaka, I was full of love naman, e. I was a lola’s girl. I was raised by my lola tapos yung tita ko,” kuwento pa ng dalaga.
Hindi na rin naman daw nila pinag-usapan ito ng kanyang ina at ayaw na rin naman niyang mailang o maging awkward pa ang ina kung inungkat niyo dito ang tungkol sa kanyang ama.
“Never din siyang nag-open up sa akin.”
At normal para sa isang anak na hindi nakilala ang kanyang biological father ang ikalungkot ang ganitong sitwasyon.
“Kunyari may mga, yung mga classmates ko, may father sila, complete family, may family event, pero iyon, lagi kong kasama yung lola ko.”
Kaya naman swak na swak kay Kazel ang role niya bilang si Zoey sa “Abot-Kamay na Pangarap”
“Si Zoey kasi, yung character niya, she longs for a dad. Meron siyang dad, pero wala siyang time.
Napapanood sa GMA Afternoon Prime, patuloy na naghahari sa ratings game ang AKNP sa telebisyon.
***
IA-unveil ang Carlos L. Albert Bust ngayong Lunes, October 16, 2023.
Magkakaroon muna ng Thanksgiving mass alas sais y media ng umaga na susundan ng School Parade of Floats at kasunod na nito ang Unveiling Ceremony.
Ang Bust project na ito ay nagkaroon ng katuparan sa pagtutulungan at coordination ng Carlos L. Albert High School alumni at mga naging guro ng CLAHS na tumulong upang makalikom ng kaukulang pondo upang maipagawa ang naturang bust o estatwa.
Ang naturang proyekto ay sinimulan nina Mrs. Leonora Lauigan na isang retiradong Principal at Ms. Milet Alcala, at pinamunuan ni Ms. Arlene Butterworth ng CLAHS Batch ’79 na minamahal naming kaibigan.