Advertisers
PINAGDEDEBATEHAN ngayon ng mga eksperto sa batas ang pagkakanlong ng Senado kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng pagiging co-perpetrators ni dating Pangulo Rody Duterte sa kasong Crime against humanity.
Si Dela Rosa ay halos walong buwan na hindi nagtrabaho o nagpakita sa publiko matapos ianunsyo ni Ombudsman Boying Remulla na maytoon siyang kopya ng ICC arrest warrant ng senador.
Nitong Lunes, Mayo 11, biglang sumulpot si Bato sa Senado para magkaroon ng bilang ang pro-Duterte senators sa pagpatalsik kay Senate President Tito Sotto, at iniluklok si Alan Peter Cayetano bilang bagong lider ng Senado.
Ang pagkaluklok kay Cayetano ay upang pigilan ang pagpatalsik kay Vice President Sara Duterte Carpio na na-impeach sa Kamara noon ding Lunes.
Ayon sa mga eksperto sa batas, hindi dapat nagiging kanlungan ng wanted sa batas ang Senado lalo’t international court ang nag-isyu ng arrest warrant.
Sinabi ng Dean Mel Sta. Maria ng Far Eastern University (FEU) school of law na malinaw sa Saligang Batas na hindi kailangan pang dumaan sa local court ang pag-aresto kay Bato kahit nasa loob ng Senado.
Ang batas na ito, ayon kay Sta. Maria, ay katulad ng batas na ginamit sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte at kina dating Senador Antonio Trillanes at Liela dr Lima.
Si Duterte ay inaresto ng Interpol sa airport pagkalapag niya mula sa Hongkong. Kaagad siyang inilipad sa The Hague, Netherlands.
Sina Trillanes at De Lima ay inaresto naman sa loob ng Senado noong termino ni Duterte.
Kaagad nakalaya at napawalang-sala si Trillanes, habang si De Lima ay nakulong ng halos pitong taon sa kasong droga na gawa-gawa ni Duterte.
Ngayong si Dela Rosa ang may arrest warrant, gusto ng liderato ng Senado na kanlungin nila ito, ayaw isuko sa ICC.
Inanunsyo mismo ng ICC na noon pang Nobyembre 2025 inilabas ang arrest warrant laban kay Bato, kungsaan natunugan ito ng Senador kaya nagtago.
At nitong Lunes nga ay bigla itong sumulpot kungsaan tinangka siyang arestuhin ng mga operatiba ng NBI pero mabilis itong nakatakbo papasok sa Senate session hall.
Sa pagkanlong ng Senado kay Bato, dumagsa ang mga kilos protesta sa labas ng gusali ng Senado, hinihiling sa mga Senador na isuko sa ICC si Bato.
May mga supporter din si Bato na nagsasagawa ng barikada para proteksiyunan ang senador mula sa pagkaaresto ng mga awtoridad.
Tumakbo ang kampo ni Bato sa Korte Suprema, hinihiling na pigilan ang Interpol, NBI at pulisya sa pag-aresto kay Bato.
Giit ng kampo ni Bato, wala nang kapangyarihan ang ICC sa Pilipinas matapos magwidro ng membership ang bansa ilang taon na ang nakararaan.
Ang membership ng Pilipinas sa ICC ay winidro noon ni Duterte nang makasuhan siya kaugnay ng mga patayang naganap sa ilalim ng kanyang administrasyon.