Advertisers

Advertisers

Grupong Sandugo sumugod sa Senado

0 6

Advertisers

SUMUGOD ang grupong Sandugo sa Senado sa pangunguna ni Ka Jet Gonzaga upang ipanawagan sa mga senador na ipagpatuloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte upang pananagutin ito sa kanyang mga ginawang pagkakamali lalo ang paglustay sa pera ng bayan sa loob lamang ng ilang araw.

Ayon kay Ka Jet marapat lamang na makakuha ng sapat na hustisya ang bawat mamayan sa ginawang ng bise presidente.

Maliban din sa pagpapakita sa impecahment ay nanawagan din si Ka Jet kay Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa na isuko na ang kanyang sarili sa batas.

Habang nagsasagawa ng programa sa Senado ang grupo ng Sandugo para sa isang kilos-protesta ay sinalubong sila ng mga Pro-Duterte group at inagaw ng mga ito at sinira ang kanilang mga hawak-hawak na mga placards.

Sa kabila nito ay pilit na lamang umiwas ang grupo at nakinig sa payo ng kapulisan na lumipat na lamang ng lugar na pagdadausan ng tahimik na kilos protesta.

Nanindigan pa si Ka Jet na suportado nila ang kasalukuyang adminitrasyon lalo na ang mga programa nito para sa bayan at mamamayan.

Naniniwala din si Ka Jet na ang sinumang nagkasala ay dapat na managot sa ating batas at pagbayaran ang bawat kasalanan niya lalo na kung ang pera pa ng taong bayan ang pinag-uusapan.