Advertisers
TINIYAK ni Senate President Ala Peter Cayetano na sinuman ay maaring maghain o magsilbi ng warrant of arrest sa sinuman basta ito ay warrant of arrest galing sa isang korte sa bansa.
Ayon kay Cayetano dapat na masunod ang tamang proseso at hindi basta-basta na lamang tutungo sa senado at ihahain ang warrant of arrest.
Sa ngayon ay ipinunto ni Cayetano na gagamitin muna ng kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang lahat ng legal remedies bago tuluyang magdesisyun ito kung paano niya tatratuhin ang ihahaing warrant sa kanya.
Magugunitang inihayag ng National Bureu of Investigation (NBI) na mayroon silang hawak na warrant of arrest laban kay Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC) bagay na hindi kinikilala ni Dela Rosa.
Inamin pa ni Cayetano na sa sandaling magamit na ni Dela Rosa ang lahat ng remedy para sa kanyag kinahaharap na usapin ay kakausapin niya ito at papayuhan na magdesisyun na upang matuldukan na ang usapin.
Sa ngayon ay nasa preventive custody ng senado si Dela Rosa matapos na ito ay pagtibayin ng senado sa ilalim ng liderato ni Cayetano.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nanatili sa loob ng gusali ng senado si Dela Rosa at dito na din siya nagpalipas ng gabi kasama si Senador Robin “Robinhood” Padilla.