Advertisers
Ni Beth Gelena
Tuwang-tuwa ang Megastar Sharon Cuneta dahil kasama niyang nagcelebrate nu’ng Mother’s Day ang panganay na anak na si KC Concepcion.
Hindi lang si Megastar ang masaya kundi maging ang fans ng beteranang singer ay natuwa ngay sa reunion ng mag-ina.
Nagbahagi si Shawie ng mga larawan at video nila ni KC, pati sina Sen. Kiko Pangilinan at Miguel, habang ipinagdiriwang nila ang Mother’s Day bilang pamilya.
Sa caption, sinabi pa: “What a BEAUTIFUL Mother’s Day God gave me this year…” at nagpahiwatig siya ng pag-asa na magiging complete pa ang kanilang pamilya sa mga susunod na panahon.
Matatandaang naging usap-usapan noon ang umano’y tampuhan o pagiging “estranged” nina Sharon at KC, kaya maraming netizens ang naging emosyonal at masaya nang makitang muli silang magkasama ngayong Mother’s Day.
Komento ng netizens: “Mamaaaa @realysharoncuneta, my heart is so happy for you and I know this precious blessing is an answered prayer. Soon, magiging kumpleto na at buong-buo na! !! Exactly as you’ve been praying for.”
“Our hearts are so full seeing your family complete and knowing how genuinely happy you are today makes us even happier too. Indeed it’s a truly happy mother’s day for our dearest mama. You deserve all the love and happiness in the world today and always”
“Truly, those smile of yours are priceless!!! More moments like this”
“My fave dou is back! prayer granted”