Advertisers

Advertisers

Isabel Santos tigil sa socmed, apektado kaya sa closeness ulit nina Lloydie at Ellen?

0 5

Advertisers

By Anne Venancio

Usap-usapan ngayon online ang biglaang pag-deactivate ng Instagram account ng artist na si Isabel Santos, na nagdulot ng ispekulasyon tungkol sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Bago tuluyang nawala sa social media, nagbahagi si Isabel ng serye ng makahulugang posts na umani ng atensyon ng netizens. Aniya, “I give up. Birthdays are just a day in a year you force to feel something. I’ve never had a good birthday for over six years and I don’t know why I keep trying.”

Nag-post din siya ng isang quote tungkol sa pagtanggap sa sarili at pag-move forward sa buhay: “36 is the year you start accepting compliments without embarrassment. This year your task is to believe in the promise of your own life.”

Dagdag pa niya, “Say no to sh*t you hate. Remember what it feels like to roll around in your own dreams. Go to the limits of your longing. Leave the door open for people to walk through.”

Isa pang naging viral na mensahe ni Isabel ay ang diretsahang pahayag: “Men don’t protect you anymore,” na sinamahan ng caption na “They follow the ??.”

Dahil sa mga posts na ito at sa kanyang pag-deactivate ng account, pinagdudahan ang estado ng relasyon nila ni John Lloyd matapos silang mag-bonding kasama si Ellen Adarna at anak na si Elias. Tanong ng mga netizens, apektado kaya siya ng muling pagkakalapit ng dating magdyowang sina Lloydie at Ellen?