Advertisers
By Anne Venancio
Ipinagdiwang ng “It’s Showtime” host na si Anne Curtis ang kanyang ika-29 taon sa showbiz sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa kanyang career at pasasalamat sa mga tagasuporta.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Anne ang mga larawan kung saan suot niya ang bold red cardigan jacket at black fringe mini skirt, kasabay ng selebrasyon ng kanyang journey bilang artista mula noon hanggang ngayon.
Nagpasalamat siya sa kanyang fans at inilahad na patuloy siyang motivated at excited sa mga paparating na proyekto.
Kabilang sa kanyang natapos na proyekto ang pelikulang ‘The Loved One’
kasama si Jericho Rosales sa direksyon ni Irene Villamor. Abala ngayon ang aktres sa isang upcoming suspense-thriller film ni Mikhail Red, at isang action-drama series para sa Netflix sa direksyon ni Erik Matti. Nakatakda rin siyang muling makatrabaho si Direk Irene Villamor sa isa pang proyekto.
Nominado rin si Anne bilang Outstanding Asian Star sa 2026 Seoul International Drama Awards.
Bukod dito, nagbahagi rin siya ng sweet Father’s Day message para sa asawang si Erwan Heussaff, kung saan pinasalamatan niya ito bilang hands-on na ama ng kanilang anak na si Dahlia na tinawag niyang “best girl dad ever,” na sinagot naman ng pasasalamat ng chef at content creator.
Matatandaang kinasal sina Anne at Erwan noong 2017 at isa sa hinahanggan na celebrity families.