Advertisers
NABULAGA ang mga residente ng Baclaran sa Paranaque City nitong Lunes nang bumungad sa kanilang tanawin ang napakaraming basura na may kasamang hindi kaaya-ayang amoy. Ang mga basura galing umano sa Manila Bay na inanod sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin.
Sa ulat, napuno ng mga basura ang dalampasigan na malapit sa Baclaran Church. Kabilang sa mga basura ang mga plastic, gulong, damit, styrofoam, at iba pa. Sa kapal ng basura, natakpan na ang ibabaw ng tubig.
Ayon sa opisyal ng Paranaque City government, hindi nila inaasahan ang pagdating ng napakaraming basura.
“Kami ho ay nagulantang dahil hindi naman ganito ang nagiging problema rito. Sa ngayon ho kasi na panahon ng tag-ulan, high-tide, kaya ho ‘yung basura sa karagatan natin paikot ho iyan, high tide this morning pumasok na ho ang basura galing sa Manila Bay,” paliwanag ni Paranaque CENRO chief Bernie Amurao.
Inihayag naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patuloy ang dredging sa lugar.
Simla Lunes ng hapon, mano-manong inaalis ng mga tauhan ng CENRO ang mga basura sa bahagi ng LRT-1 station sa Baclaran.
Sinabi ni Amurao na maaaring umabot ng 10 trucks ang mahahakot na basura. Panawagan din niya sa publiko, huwag magtapon ng basura sa mga kanal at ilog.
“Dapat ho may disiplina para maiwasan ang pagbaha,” saad niya.
Sinabi ng mga awtoridad na basura ang isa sa mga pa-ngunahing dahilan ng pagbaha.
“Madali po’ng manita or mag-point finger sa gobyerno. Ang pamahalaan po ay ginagawa ang lahat pero lahat po tayo ay mayroong obligasyon para maiwasan natin ang ganitong klaseng pagbaha,” ayon kay Palace Undersecretary, Atty. Claire Castro.
Samantala, nagbigay ng reaksiyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III sa tone-toneladang basura at debris na lumutang sa Redemptorist Water Channel sa Parañaque dulot ng pagbaha.
Sa latest Facebook post ni Torre nitong Martes, Agosto 11, sinabi niyang hindi ito ka-yang solusyonan mag-isa ng gobyerno.
Aniya, “Lilinisin natin ito. Aalisin natin ang basura. Gagawin ng gobyerno ang trabaho nito. Pero pagkatapos nating linisin, paano natin sisiguraduhin na hindi na ito babalik sa ganito?”
“Hindi ito kayang solusyunan ng MMDA o ng gob-yerno lang. Kailangan nating baguhin pati ang disiplina sa pagtatapon ng basura,” dugtong pa ni Torre.
Sa huli, nagtanong siya sa publiko kung ano ba ang konkretong solusyon sa problemang ito ng bansa.
“Enforcement? Mas mabi-gat na multa? CCTV? Community accountability? Incentives? Makikinig ako. Pero isang bagay ang sigurado: hindi puwedeng ganito nalang palagi,” anang MMDA Gen. Manager.
Matatandaang ilang araw nang inuulan ang ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa haba-gat at magkasunod na pagpasok ng bagyong “Luis” at “Maymay.”