Advertisers

Advertisers

19 na nasawi sa Habagat at magkasunod na bagyo

0 2

Advertisers

SUMAMPA nitong Martes ng umaga, Agosto 11, sa 19 ang bilang ng mga nasawi sa epekto ng monsoon rains na pinalakas pa ng nagdaang bagyong Luis at Maymay.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasawi ang 12 katao dahil sa landslide na tumama sa Baguio, La Trinidad at Atok sa Benguet.
Sa probinsiya ng Rizal, apat na ang kumpirmadong nasawi, habang tatlo ang binawian ng buhay sa Batangas dahil sa landslide, pagguho ng lupa, pagka-kuryente at nabagsakan ng puno.
Nagtamo rin ng injuries ang 15 katao bunsod ng malalakas na pag-ulan habang may apat na iba pang nawawala.
Sa ngayon, apektado ang aabot sa 2.2 milyong indibidwal kungsaan nananatili sa mga evacuation center ang 26,000 katao.
Pumalo naman na sa P1.4 billion ang halaga ng danyos sa imprastruktura at P135 million sa agrikultura.
Patuloy sa paghahatid ng tulong ang kaukulang ahensiya ng pamahalaan sa mga sinalantang pamilya kungsaan umaabot na sa P73.5 million ang naibigay na assistance. (Mark Obleada)