Advertisers

Advertisers

5 estudyante nasawi sa landslides sa Baguio

0 3

Advertisers

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa limang estudyante na nasawi sa landslide sa Barangay Guisad Surong, Baguio City, kasunod ng ilang araw na pag-ulan sa rehiyon.
Sa isang pahayag nitong Martes, kinilala ng DepEd ang mga nasawi na dalawang Grade 7 mula sa Guisad Valley National High School, isang Grade 3 at isang Grade 4 mula sa Bonifacio Elementary School, at isang Alternative Learning System (ALS) learner.
“Nakikiramay po kami ng buong puso,” pahayag ng DepEd.
Suspendido ang klase habang nagpapatuloy ang pag-ulan. Nakikipag-ugnayan din ang mga field office ng DepEd sa mga lokal na pamahalaan at disaster response agencies upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani.
Sinusuri narin ng ahensya ang mga napinsalang imprastraktura sa mga paaralan at tinututukan ang slope protection upang mapanatiling ligtas ang mga campus.
“We ask the entire education community to join us in keeping the families, victims, and the Cordillera region in our prayers,” dagdag ng DepEd.
Nitong Martes, 10 katao ang napaulat na nasawi sa landslide gabi ng Agosto 9, habang tatlo ang nailigtas nang buhay.