Advertisers

Advertisers

COCO MARTIN MAY MENSAHE SA BASHERS

0 5

Advertisers

By Beth Gelena

Nagbigay ng mensahe si Coco Martin para sa kanyang mga kritiko at sa mga taong mahilig manghusga sa social media.

Sa isang panayam sa podcast na Unshaken ni Gary Valenciano, sinabi ng Kapamilya Primetime King na panalangin ang kanyang tugon sa mga bashers. Ayon sa aktor, nais niyang maging mas maingat at sensitibo ang mga tao sa kanilang mga komento dahil magulo na ang mundo at hindi na dapat dagdagan pa ng poot.

Sambit pa rin niya na kung wala namang magandang maitutulong o masasabi sa kapwa, mas mabuting manahimik na lamang kaysa makisawsaw para manira ng ibang tao.

Inamin ng aktor na nasasaktan siya kapag nakakakita ng mga taong inaatake at hinuhusgahan online. Dahil dito, ipinagdarasal na lamang nila ng kanyang pamilya ang kanilang kaligtasan at gabay ng Diyos sa bawat desisyong kanilang ginagawa.

Aminado si Coco na hindi niya kayang mapasaya ang lahat, maging ang kanyang mga katrabaho o mga manonood. Gayunman, sinisikap niyang tiyakin na ang bawat desisyong ginagawa ay naaayon sa tama at sa kalooban ng Panginoon.