Advertisers
By Beth Gelena
Ipinahayag ni Maris Racal ang kanyang labis na kasiyahan at pagmamalaki sa natanggap niyang tropeo mula sa Pinoy Rebyu bilang pagkilala sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Sunshine.
Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Maris ang larawan habang hawak ang tropeo at isinulat ang caption na:
“My first Best Actress WIN. Thank you @sffrpinoyrebyu for this recognition. This will always be special to me.”
Ibinahagi rin niya ang kanyang kasuotan sa naturang okasyon at sinabi:
“Always happy to wear @jotlosa.”
Samantala, bumuhos ang pagbati mula sa kanyang mga tagahanga. Isa sa mga komento ang nagsabing:
“Congrats! Deserve mo ‘yan dahil napakagaling mo. Sana ay marami pang awards ang matanggap mo. Galingan mo pa, our sunshine!”
Ang @jotlosa na binanggit ni Maris ay tumutukoy sa Filipino fashion designer na si Jot Losa, na siyang lumikha ng kanyang outfit sa okasyon.