Advertisers

Advertisers

KIM KINILABUTAN KAPANGALAN NG INA ANG WAITRESS NAGSISILBI SA KANIL

0 5

Advertisers

By Beth Gelena

Post ni Kim Chiu, “13 years” kung saan may larawan ng kanyang ina na nasa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ng kanyang ina.

Pagkatapos nilang magmisa ay kumain ang grupo sa isang restaurant.

Nagrequest si Chinita Princess sa waitress na nagse-serve sa kanila na kuhanan sila ng picture.

Tinanong niya ang pangalan ng waitress at laking gulat niya dahil ang pangalan ni girl ay kapangalan ng kanyang ina, Loela.

Nanindig daw ang balahibo ng aktres, at aniya, “Ma? Are you with us for lunch?” Grabee kaayo coincidence…be like. .. Thank you”

Ang ina ng aktres ay 13 years nang pumanaw.

Nagkomento ang waitress sa comment sections ng Instagram ni Kim.

Ani Loela: “it’s my pleasure to serve you miss Kim. God bless you”

“Hala amazing kapangalan po ng mama nyo big hugs parang sinasabi na kahit wala na ako andito lang ako para sa inyo”
“A mother’s love never truly leaves us. Sending you love and strength as you remember her today”
“Mama Chiu is your guardian angel kimmy”

Na-amaze naman ang netizens na sa 19 na ibinahagi ni Kim sa pagdalaw nila sa columbarium ay iba iba ang caption na sinulat ni Kim.