Advertisers

Advertisers

Heart ibinenta ang regalo ng ex

0 2

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Talk of the town ng mga miyembro ng chismak republic ang naging komento ni Heart Evangelista sa segment ng kanyang game show.

Tinanong kasi niya ang contestants kung ano ang gagawin nila sa regalong binigay sa ex na kung hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

Ang choices ay ipamimigay, ibebenta o kaya’y itatago.

May naging rebelasyon naman ang TV host actress tungkol sa isang taong nag-propose sa kanya noon sa kanyang pagbabalik-tanaw.

Side comment niya:”Merong nag-

propose sa ‘kin dati… binigyan niya ko ng heart na diamond…Sobrang heartbroken ko, pinamigay ko siya sa charity.”

May sinabi pa siyang may isang necklace na binigay sa kanya noon na ibinenta niya.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang naging pahayag niya.

Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“At least, wais si ghurl.”
“Si Jericho ba o Daniel M. ito?”
“Hahaha.Bet ko iyong sinabi niyang binenta niya iyong regalo ng ex.At least, nakaganti siya.”
“Pinamigay niya sa charity.At least, may ibang nakinabang.”
“Ako man, idi-dispose ko regalo ng ex ko kung heartbroken ako.”
“Ba’t ko naman itatago kung gusto kong mag-move on.”
“Hehe.Gumanti sa ex.”
“Wala naman siyang sinabi na nakinabang siya sa perang pinagbentahan.”