Advertisers
Ni Beth Gelena
Lalong napapansin ang confidence at pagiging game ni Kylie Padilla sa social media, partikular na sa TikTok, kung saan aliw na aliw ang aktres sa pagpo-post ng mga video habang ipinapakita ang kanyang husay sa pagsasayaw.
Sa caption ng kanyang Instagram post, pabirong sinabi ni Kylie na, “Cause TikTok is paradise.”
Hindi naman nakaligtas sa papuri ng netizens ang kanyang dance moves, alindog at magandang pangangatawan. Pati ang kapwa aktres na si Kyline Alcantara ay napa-comment ng “HOT!”
Ilang netizens naman ang napabiro at napatanong kung paano nagawang pakawalan ni Aljur Abrenica ang isang kagandahang tulad ni Kylie.
“Ito yung sinayang ni Aljur.”
“Almost perfect.”
“Grabe nga, paano niya nakaya sayangin ‘to? Halos pinagpala lahat, grabe!”
“Sobrang gorgeous ng sinayang ni guy.”
Hindi rin nakaligtas sa papuri ang kutis ng aktres, “Sobrang ganda ng kutis ni Kylie.”
Mayroon namang nagbigay ng ibang pananaw at tila ipinagtanggol si Aljur.
“Di afford ni Aljur lifestyle niya at di sila compatible sa ugali. Magkaiba rin sila ng trip sa buhay.”
May nakapansin na tila mas nagiging palaban at kumpiyansa na raw ngayon si Kylie, “Tumatapang na siya ngayon.”
Isang netizen naman ang hindi napigilang magpahayag ng paghanga sa aktres sa pamamagitan ng pabirong komento na, “Me pag ovulation.”
May ganun?