Advertisers

Advertisers

Ala E! Festival, handog ang makulay na selebrasyon sa ika-445 Founding Anniversary ng Batangas City

0 25

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Sumama ang pakiramdam ni Batangas Governor at multi-awarded actress Vilma Santos-Recto kaya hindi ito nakadalo sa press conference para sa nalalapit na Ala E! Festival.

Idinaos ang presscon sa Information Center Building sa Kapitolyo ng Batangas City bilang bahagi ng paghahanda sa taunang selebrasyon na gaganapin mula Disyembre 1 hanggang 8, 2026, kasabay ng ika-445 Founding Anniversary ng lungsod.



Ipinaliwanag naman ni Provincial Administrator Atty. Joel L. Montealto na marami ang inaasikasong programa ni Gov. Vilma, bukod pa sa pagbisita nito sa iba’t ibang lugar sa Batangas para sa kanyang Serbisyo Publiko. Dahil dito, hindi na umano naiwasang mapagod ang gobernadora na naging dahilan ng kanyang pagsama ng pakiramdam.

Samantala, inaasahang magiging masaya at makabuluhan ang walong araw na pagdiriwang na dadaluhan hindi lamang ng mga Batangueño kundi maging ng mga bisitang magmumula sa iba’t ibang lugar.



Bitbit ang temang “All Here. So Near,” maghahandog ang Ala E! Festival ng iba’t ibang aktibidad na magtatampok sa kultura, tradisyon, talento at mga produktong ipinagmamalaki ng lalawigan ng Batangas.

Magsisimula ang selebrasyon sa Disyembre 1 sa pamamagitan ng Opening Mass sa Basilica, na susundan ng Opening Program sa People’s Quadrangle, ribbon-cutting ceremony ng Trade Fair and Food Fest sa City Hall at Plaza Mabini, at MBA-VSR Awards and Other Recognitions sa BCCC.



Sa Disyembre 2, nakatakda ang Unity Walk kasama ang mga opisyal at empleyado ng lungsod, Zumba at Medical Services. Samantala, tampok naman sa Disyembre 3 ang Fluvial Procession ng Sto. Niño ng Batangan, Parade of Cultural Icons at Concelebrated Mass sa Basilica.

Magkakaroon ng Car Meet at Battle of the Bands sa SM City Batangas sa Disyembre 4, habang tampok sa Disyembre 5 ang Habing Ibaan Fashion Show at VSR Battle of the Champions.

Sa Disyembre 7 naman, mapapanood ang Isang Ilog, Isang Probinsya: Magkatuwang Tayo One Act Play Competition sa BCCC, na susundan ng Batangas City Employees’ Night and Christmas Show sa Plaza Mabini.

Magtatapos ang selebrasyon sa Disyembre 8 sa pamamagitan ng Street Dance Competition mula Batangas Provincial Capitol hanggang Plaza Mabini at Court Dance Competition sa City Coliseum.

Sa kabuuan, inaasahang magiging makulay ang pagdiriwang ng ika-445 Founding Anniversary ng Batangas City. Bukod sa iba’t ibang aktibidad, layunin din ng selebrasyon na maipakita ang mayamang kultura at tradisyon ng Batangas at mas mapalapit ang mga Batangueño sa isa’t isa.

Isa lang ang masasabi ni yours truly sa mga Batangueño… Ala E! Ka-swerte naman ninyo dahil kasama ninyo ang workaholic na Governor Vilma Santos-Recto.