Advertisers

Advertisers

PCSO Board of Director Head Imelda Papin, Foundation Magpapaaral At Magbibigay Ng Trabaho Sa Ating Mga Kababayan; New Version Ng “Silent Night” Ni Lance Raymundo Mala Michael Buble, Catch Him At DWIZ 882 On Nov. 22

0 24

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Kabibiliban mo talaga ang pagiging likas na matulungin ng icon singer at politician na si Imelda Papin. Actually wala pa siya sa PCSO ay bukas palad na si Manay Imelda lalo na sa mga kapos sa buhay. Nang maging Vice Governor naman siya sa Camarines Sur ng dalawang term from 1998 to 2004 and 2019 to 2022 ay marami siyang naging proyekto lalo na para sa pangkabuhayan ng mga kapwa niya bicolano.
At alam niyo ba na ang sweldong tinatanggap ni Imelda bilang Board of Director head ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ay maraming parte nito ay ibinibigay niya sa mga nangangailangan. Nangunguna rin ang sikat pa rin hanggang ngayong singer(Imelda) sa pamamahagi ng ChariTimba sa iba’t-ibang mga barangay sa Mega Manila kasama ng mga co-board of directors at ang sister na si Ms. Aileen Papin. Maaasahan rin si Manay Imelda tuwing may sakuna tulad ng baha.

At dahil hindi napapagod at hindi umuurong sa pagtulong ay itinayo ng nag-iisang “Asia’s Sentimental Songstress” ang kanyang IMELDA PAPIN FOUNDATION. Layun ng foundation nito na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan sa pamamagitan ng scholarship. Magbibigay din ang nasabing foundation ni Manay Imelda ng Trabaho at Oportunidad para sa lahat, Skills Development para sa mas magandang bukas, Makatarungang Pagkakataon at maayos na pasahod, at ISANG PILIPINAS NA MAY PAG-ASA. IMELDA PAPIN FOUNDATION, Para sa bawat Pilipino, Para sa mas maunlad na bayan.



***

Inireleased na ng Viva Records ang version o revival ng cutie singer-actor na si Lance Raymundo ng classic Christmas song na “Silent Night.” Bukod sa bagong areglo nito ay binigyan ito ng bagong tunog ni Lance na akma para sa mga GENZ.



At mala Michael Buble, si Lance sa version niya ng Silent Night na available na for Stream sa Spotify and other music digital platforms. Out na rin ang Music Video nito at mapapa-wow ka naman talaga sa kapogian dito ni Lance na cutie ang dating sa kanyang Santa red hat. At happy si Lance at nakapag-released siya this year ng bagong single na Silent Night, na globally famous. By the way, may mga upcoming projects si Lance at amin itong itatanong sa kanya sa kanyang radio appearance ngayong November 22(Sunday) at 8 PM to 9 PM, sa aming weekend showbiz radio program sa DWIZ 882 na “CHIKA KO: Ang Vlog Sa Radyo At TV.”

Maririnig at mapapanood ninyo ang aming one on one interview kay Lance sa official Facebook Page at Youtube Channel ng Aliw Broadcasting Corporation na DWIZ 882. Also at ALIW Channel 23 at iba pang mga Cable Channel. Marami pa kaming itatanong kay Lance, so watch for it!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">