Advertisers

Advertisers

BUTI PA SI ALEX

0 5

Advertisers

ISA sa nagdadala ng ating bandila at katanyagan ng pagiging isang Filipino sa ngayon, ay itong ating tennis player na si Alex Eala. Sa kabila ng mga kaguluhan, di pagkakaisa, mga anomalya, korupsiyon, naibabangon ni Eala ang imahe ng bansang Pilipinas.

Sa kanyang sariling galing at pagsisikap, naipapakita ni Alex ang katangian ng isang Filipino – mapursigi, may disiplina at tapang na harapan ang mga hamon ng buhay. At higit sa lahat, di nakaligtaan ang kanyang mga kababayan.

Humanga ako di lamang sa kanyang galing na maglaro ng tennis, kung di kung papaano pasalamatan ni Alex ang kanyang mga kababayan na nananalangin para sa kanyang tagumpay at dinarayo pa kahit saan man siya makipagpaligsahan, para lamang ipakita ang kanilang pagmamahal sa atletang naglalagay na naman sa Pilipinas ng tatak sa maps ng daigidig.

Sa kanyang mga interview, matapos ang mga laro kung saan siya ay ang nagwagi, pinasasalamatan ni Alex ang bawat Filipinong nanood sa kanyang laban. Sa pambansang wika pa itong pasasalamat ni Alex.

Maituturing na ngang isang phenomenon ang narrating ni Alex, dahil sa kanyang bawat laro, di lamang tayong mga Filipino ang humahanga, kung di halos buong mundo na.

Hinahangan dahil sa kanyang husay at pakikitungo sa bawat makakatunggali. Yan naman ang talaga ang kahalagahang itinuturo ng sports o’ paligsahan. At sana, maging aral din ito sa ating lahat. Dahil buti tayo ay may isang Alex na nagsisilbing halimbawa sa ating lahat, na ang pagiging parehas, dala ang pagsisikap ay talagang malayo ang mararating.

Di gaya ng iba nating kababayan, naturingan pang kawani ng pamahalaan, ay walang ginawa kung di panggugulang. Iniisahan ang kapwa niya Filipino. Pinagnanakawan pa nga.

Sana, huwag lang natin hangaan si Alex, gayahin natin ang kanyang pagiging tunay na Filipino. Mapagmahal sa kapwa at sa bayan.

At sana, maging aral siya sa lahat ng ating mga opisyal na ang pagiging sikat ay nakukuha sa pagsisikap determinasyong maging parehas sa lahat ng gagawin, at tunay na mapagmahal sa bayan at kapwa Filipino.