Advertisers
By Anne Venancio
No filter. No chill. All-out laughter! Ganito ang hatid ng Comedy Queen Giselle Sanchez sa kanyang biggest international comedy milestone—ang stand-up special na “BAD EXAMPLE,” na mapapanood nang eksklusibo sa NDM PLUS.
Matapos ang ilang dekadang pagpapatawa sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang matalas na wit, fearless satire, at signature humor, level up na ang comedy journey ni Giselle. Bilang tinaguriang “Siren Star of Stand-Up,” handa na niyang pasabugin ang entablado ng Nagoya, Japan sa kanyang kauna-unahang major stand-up comedy special sa bansa.
Hindi lang ito basta comedy show. Ang “BAD EXAMPLE” ay isang NDM Original Comedy Special na hatid ng NDMstudios at idinirek ng award-winning filmmaker na si Nijel de Mesa, na nagbigay ng cinematic touch sa buong production.
Mas lalo pang pinatindi ang laughs sa tulong ng powerhouse comedy writers na sina Henry Maceda at Ferdie Aguas ng Bubble Gang, kasama ang Patrick Alcantara at Jarvin Pastor ng Pencil Box. Expect fresh jokes, fearless punchlines, at relatable stories na siguradong magpapahagalpak sa audience.
May special family touch din ang proyekto dahil ang official poster ng “BAD EXAMPLE” ay likha ng anak ni Giselle na si Lia Buencamino, na nagdagdag ng personal at creative vibe sa inaabangang comedy special.
Ang exclusive live taping ay gaganapin sa Setyembre 20, 2026 (Linggo), alas-5:00 ng hapon, sa Higashibetsuin Kaikan Hall sa Nagoya, Japan. Libre ang admission, ngunit eksklusibo lamang ito para sa NDM PLUS Platinum Members, kaya naman inaasahang magiging isa ito sa most exclusive comedy events of the year.
Hindi lang streaming platform ang NDM PLUS. Isa na itong premium members-only film society na nagbibigay ng access sa exclusive premieres, red carpet events, at world-class original productions para sa global audience.
Kung matagal ka nang fan ni Giselle o ngayon mo pa lang matutuklasan ang kanyang comedy, isang bagay ang sigurado—”BAD EXAMPLE” ay ready nang maghatid ng walang prenong tawanan, matapang na kuwento, at comedy experience na siguradong hindi malilimutan.
One stage. One microphone. No filters. No mercy.
At mukhang pagkatapos ng gabing ito, iba na ang magiging level ng stand-up comedy—hindi lang sa Japan, kundi sa buong mundo.